Hot air balloons

Noong nagpunta kami sa Clark at pinuntahan namin ang Hot air balloons at saktong Valentines day marami kaming nalibot sa hot air balloons at maraming pwedeng panoorin. una ang napanood namin ang mga parade bago mag umpisa ang kasiyahan at masayang masaya kapag nakapunta sa Hot air balloons fiesta marami rin pagkain na pwedeng bilhin at maraming mga park na pwedeng upuan at mag picture at maraming sobrang tao ang mga pumunta,marami rami rin ang makikitang statua at magandang nakikita at puntahan sa Hot air balloons fiesta. Nung pinanood na namin ang mga Hot air balloons na lumilipad kami ay napahanga at marami rin ang sumasakay at hindi sumasakay,nung lumilipad na ang mga hot air balloons ang gandang tignan lalo na kapag masyado ng mataas na tignan at matagal tagal rin ang pagsakay ng mga tao.Pagkatapos ng Hot air balloons nung gabi na ay may band na nag concert at pinanood namin ito na medyo matagal rin, Nasakto rin namin ang pagpunta sa Hot air ballooons at ito ay Valentines day pa at nag celebrate na rin kami.Pagkatapos ng concert nagsindi ulit sila ng mga hot air balloons at pinanuod ulit namin ito nung sinisindihan nila sa loob at nakita namin ang pag-apoy nito at yun pala ang ilaw sa loob ng hot air balloon.Maraming hot air balloons ang mga nakita namin at iba't ibang mga design ito kagaya ng mga bilog,shapes,cartoons,
fruits,foods at marami pang mga ibang design. Ang pagiging galak ng pag tuklas sa Hot air balloons Fiesta ay hindi ko maipaliwanag.

















Mga Komento

Mga sikat na post sa blog na ito

Monasterio De Tarlac

Manaoag Church