Manaoag Church




Tuwing Mayo ay lagi kaming pumupunta sa Manaoag Church,Nagsisimba kami dito at nagsisindi ng mga kandila,Mga isang oras ang Pagsimba at Magandang Makinig sa mga Pari. Pagkatapos ng Misa ay pumupunta sa harap ng pari para ma bless ng holy water.Pagkatapos namin magsimba ay nagpila kami sa tabi ng simbahan para makapunta at. Manalangin sa Birhen,Nung nakapunta na kami sa Birhen ay nagdasal kami na medyo matagal rin.Pagkababa namin sa simbahan ay pumunta kami sa ibaba na ito ay Malawak,Maganda at sobrang malinis.Maraming makikitang statua na puro mga Jesus,Mama Mary at marami pang iba at naghulog rin kami ng mga barya sa may wishing well na may mga maraming isda.at nag picture rin kami. 

Pagkatapos namin sa may mga statua ay nagpunta rin kami sa may malaking birhen at napakaraming tao dun na nagpipicture at naghuhulog rin ng mga Pera,Nagsindi rin ulit kami ng mga kandila sa tabi.Maganda sa may malaking birhen at marami rin ang mga taong nagdarasal. 

Pagkatapos namin sa may malaking birhen ay nagpunta rin kami sa may museum at napakaganda rin doon at medyo malamig.Maraming makikitang birhen sa museum na mamahalin,sa harap lang ang pwedeng magpicture at medyo maselan sa museum. 

Pagkatapos namin sa Museum ay lumabas kami ng Manaoag at bumili kami ng mga Souvenirs at mga pagkain. Marami ang mabibili sa Manaoag kagaya ng mga kuwintas,Bracelets,mga Jesus na pang display,mga oil,pamaypay at marami pang iba.sa mga pagkain naman ay ang mga putong puti,Kutsinta,sarangwelas,Peanuts at marami pang iba. 

At yan ang pagpunta namin sa Our Lady of Manaoag na hindi ko medyo maipaliwanag ang mga iba dahil maraming tao ang mga nagsisimba at namamasyal.Marami rin ang pwedeng puntahan sa manaoag dahil ito ay sikat, malaki at malawak 

Mga Komento

Mga sikat na post sa blog na ito

Monasterio De Tarlac

Hot air balloons